Philippine Standard Time
Barangay San Roque Rosario, Batangas, Philippines
Back to News & Announcements
Announcement February 20, 2026 · 04:22 PM Edited

ANUNSYO MULA SA BARANGAY

Full Article

By Barangay Officials

ANUNSYO MULA SA BARANGAY

Alinsunod sa umiiral na patakaran ng pamahalaan at sa mga alituntunin sa DILG MC No. 002-006 (s. 2026) ang Barangay San Roque, Rosario, Batangas ay buong pusong nagpapatupad at tumatalima sa mga probisyon ng

ANTI-EPAL POLICY

ANO ITO?

Isang kautusan na nag-uutos sa lahat ng LGUs (kasama ang barangay) na huwag ilagay ang pangalan o larawan ng opisyal sa mga proyektong pinondohan ng gobyerno.

❌ ANO ANG BAWAL?

• Pangalan ng opisyal

• Larawan o imahe

• Initials o palayaw

• Logo o personal na simbolo

• Kulay o motif na may personal branding

• Slogan na may kaugnayan sa opisyal

SAAN ITO IPINAGBABAWAL?

✔️ Project signages at tarpaulin

✔️ Waiting sheds, kalsada, gusali

✔️ Relief goods at ayuda packaging

✔️ Government vehicles

✔️ Anumang proyektong may pondo ng bayan

⚖️ BAKIT ITO MAHALAGA?

✅ Ang pondo ng bayan ay para sa serbisyo publiko

✅ Iwas personal na promosyon

✅ Tapat at transparent na pamamahala

✅ Pantay-pantay na serbisyo para sa lahat

#NoToEpal