Philippine Standard Time
Barangay San Roque Rosario, Batangas, Philippines
Barangay San Roque

Orange Card

Ang opisyal na privilege card ng Barangay San Roque para sa mga kwalipikadong rehistradong residente.

Apply for Orange Card
Pangkalahatang Impormasyon

Ano ang Orange Card?

Ang Orange Card o "Pagtutulungan Card" ay isang opisyal na identification at privilege card na inilulunsad ng Pamahalaang Barangay ng San Roque bilang bahagi ng kanilang programang pangkomunidad. Ito ay nagbibigay ng pribilehiyo sa mga kwalipikadong residente kapalit ng responsableng pagiging mamamayan.

Layunin

Ang mga pangunahing layunin ng programa

  • Kilalanin ang rehistrado at kwalipikadong residente ng Barangay

  • Magbigay ng mga diskwento, prebilehiyo, o espesyal na benepisyo

  • Palakasin ang ugnayan ng Barangay at mga katuwang na establisyamento

  • Itaguyod ang diwa ng "pagtutulungan" sa komunidad

Mission

Ang misyon ng Pamahalaang Barangay

Magkaroon ng Sistema ng pagkakaisa ng buong barangay at komunidad nito na may layuning magkatulungan ang bawat isa.

Naglalayong:

  • Magbigay ng makabuluhang prebilehiyo at suporta sa mga kwalipikadong residente;

  • Palakasin ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Barangay sa mga katuwang na establisyamento at propesyonal;

  • Hikayatin ang aktibong partisipasyon, disiplina, at responsableng pagiging mamamayan; at

  • Isulong ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan tungo sa pangmatagalang kaunlaran ng komunidad.

Vision

Ang pangitain para sa Barangay San Roque

Isang nagkakaisa, organisado, at responsableng Barangay San Roque na may matatag na sistema ng pagtutulungan, kung saan ang bawat mamamayan ay aktibong nakikibahagi at nag-aambag tungo sa pangkalahatang kaunlaran at kapakanan ng lahat.

Paano ito Gumagana?

Hakbang 1

Ang card ay ibinibigay sa mga kwalipikadong residente ayon sa itinakdang alituntunin ng Barangay.

Hakbang 2

Maaari itong gamitin sa mga opisyal na partner establishments (botika, tindahan, klinika, serbisyo, atbp.) na may kasunduan sa Barangay.

Hakbang 3

Ang card holder ay makakatanggap ng diskwento o iba pang benepisyo depende sa kasunduan ng Barangay at ng katuwang na establisyamento.

Personal at hindi maaaring ipagamit sa iba ang card.

Maaari itong bawiin kung may paglabag sa regulasyon.

May takdang bisa o validity period ang card.

Mga Alituntunin

Kwalipikasyon at Regulasyon

1. Mga Kwalipikasyon ng Aplikante

  • Rehistradong residente o Botante ng Barangay San Roque.
  • May edad na labingwalong (18) taon pataas.
  • Maaari ring pagkalooban ang 17 taong gulang pababa kung kinikilalang "Pride of San Roque" batay sa resolusyon ng Sangguniang Barangay.

2. Katayuan at Rekord

  • Dapat mabuting mamamayan at walang rekord ng paglabag sa batas o kasong nakabinbin sa Korte o sa Barangay.
  • Kung may nakabinbing kaso, kailangan ng opisyal na Clearance mula sa kaukulang tanggapan bago mapagkalooban ng Orange Card.

3. Saklaw at Paraan ng Paggamit

  • Maaari lamang gamitin sa mga opisyal na katuwang o partner ng Barangay.
  • Dapat gamitin nang may paggalang at pagpapahalaga.
  • Tanging ang rehistrado at awtorisadong Card Holder lamang ang maaaring gumamit.
  • Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapagamit ng Orange Card sa ibang tao.
  • Sa isang pamilya, 1 card holder lang ang maaring gumamit sa iisang pagkakataon.
  • One (1) transaction per day lamang.
  • Kapag sa restaurant at bundle ang order, 1 card lamang. Kung meal, individual card ang maaaring gamitin.

4. Bayarin at Pagpapalit

Unang Pagkakaloob

Libre

Pagpapalit (Nawala/Nasira)

May Bayad
(ayon sa Barangay Tax Ordinance)

5–6. Pananagutan at Bisa ng mga Prebilehiyo

Maaari lamang gamitin sa legal at opisyal na transaksiyon. Walang pananagutan ang Barangay sa anumang maling paggamit.

Ang bisa ng Orange Card ay magtatapos kasabay ng pagtatapos ng termino ng kasalukuyang mga opisyal ng Barangay.

Ang mga establisyamento ay maaaring magkaloob ng prebilehiyo sa loob ng isang (1) taon o hanggang Disyembre 31, 2026, na maaaring i-renew.

Kung magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari, maaaring itigil ng establisyamento ang pagbibigay ng diskwento alinsunod sa kasunduan ng dalawang panig.

Mga Pribilehiyo

Mga Benepisyo ng Card

Ang mga sumusunod na benepisyo ay makukuha ng mga kwalipikadong card holders at ng mga katuwang na establisyamento mula sa programa:

Para sa Mamamayan

Diskwento at prebilehiyo sa mga partner establishments.

Insurance, health benefit, o program.

Enganyo na magparehistro bilang Registered Voter ng Barangay.

Para sa Establisyamento

Libreng issuance ng Barangay Business Clearance.

Promotion ng kanilang negosyo sa komunidad.

Mas maraming tatangkilik sa kanilang produkto at serbisyo.

Ang programa ay naglalayong palakasin ang diwa ng pagtutulungan sa pagitan ng Barangay, mga mamamayan, at mga katuwang na establisyamento para sa pangmatagalang kaunlaran ng komunidad.

Mga Katuwang

Partner Establishments

Medical Services

Establishments

  • Sto. Rosario Hospital
  • Medical Experts
  • Shalom
  • Gualberto Clinic
  • Manguiat Dental Clinic
  • Farmacia Cena
  • Viceral Medical Clinic
  • Viceral Pharmacy

Doctors / Specialists (free consultation)

  • Dr. Gil Maderazo – IM
  • Dr. Aurea Maderazo – Pedia
  • Dra. Reinie Magpantay – IM
  • Dr. & Dra. Viceral – OB-GYN
  • Dra. Manguiat – Dentist
  • Dr. Dio – Optal
  • Dr. Gualberto – IM
  • Dr. Meynard Ramirez
  • Atty. Cathy Calingasan – Lawyer
  • Malyn Dalinoc

Restaurants

  • Louie n' Chit
  • Classical Burger
  • Digman's Café – Rice meals only
  • Erlinda's Café
  • Samgy House
  • Oppa Samgyupsal
  • Nawahi
  • Casa Maestro

Resort & Hotel

Resort

  • Barbosa's Resort
  • Holiday Home
  • Villa Clemencia Resort
  • Maestro Pistolero

Hotel

  • Rosario Resort and Hotel
  • Matinlu – promotional

Gas Station & Auto

Gas Station

  • Eurofill
  • Shell
  • Ever LPG

Auto Supply & Repair

  • Ranny's Auto Repair Shop
  • Zafra Motors
  • Serr Tire Supply
  • Chrisotopyeza – repair
  • J & P
  • Bluetech
  • Banawe
  • Tikyo Works
  • Cantos Car Aircondition

Construction & Others

Construction Supplies & Hardware

  • PNE
  • Four Seasons Hardware
  • MS Construction Supply Trading

Travel Agency

  • Ms. Adelie – as per discretion of owner
Mga Limitasyon

Diskwalipikasyon

Ang mga sumusunod ay hindi maaaring pagkalooban o maaaring mawalan ng bisa ang Orange Card:

Sinumang hindi rehistradong residente ng Barangay San Roque.

Mga indibidwal na may napatunayang paglabag sa batas o may hatol na kaso.

Mga may nakabinbing kaso na hindi nakapagsumite ng opisyal na Clearance.

Sinumang mapatunayang nagpahiram, nagpagamit, o nagbenta ng kanyang Orange Card.

Sinumang gumamit ng Orange Card sa ilegal o hindi awtorisadong transaksiyon.

Mga nagsumite ng maling impormasyon o pekeng dokumento sa aplikasyon.

Sinumang lumabag sa alinmang probisyon ng Ordinansang ito.

Ang paglabag sa alinman sa mga nabanggit ay maaaring magresulta sa agarang pagbawi o kanselasyon ng Orange Card, bukod pa sa iba pang kaparusahan alinsunod sa umiiral na batas at ordinansa ng Barangay.

Proseso

Mga Kinakailangan at Proseso

Mga Kinakailangan (Requirements)

  • Registered Voter ng Barangay San Roque

    Kailangan ng proof of registration mula sa COMELEC.

  • Barangay ID Registration Form

    Completely filled-out form.

  • 2x2 ID Picture

    White background, 1 copy.

Step-by-Step na Proseso

  1. 1

    Pakikipag-ugnayan sa mga prospect partner establishments at professionals.

  2. 2

    Pagpapadala ng formal letter para sa meeting.

  3. 3

    Implementation ng programa.

  4. 4

    Pagkuha ng updated 2026 Voters List sa COMELEC.

  5. 5

    Official announcement sa social media at house-to-house.

  6. 6

    Distribution ng Application Form sa pamamagitan ng BHW (babalikin bago mag-1 linggo).

  7. 7

    Encoding ng mga form sa system o portal.

  8. 8

    Printing ng Orange Card.

  9. 9

    Distribution by Purok – may scheduled na para-paraan.

  10. 10

    Paalala sa mga card holders na magpasalamat sa partner establishments.